Pinoy Noah’s Version

This was posted by engengz in his blog. Kinuha ko sya ng walang pahintulot. Sorry naman. Ang ganda kasi ng article. Kaya irepost ko toh!

Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at
sinabing “Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba’t-ibang kapuluan.”

Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.

Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, “Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?”

Tumugon si Noah, “Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo.”

At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.

Humingi siya ng Mayor’s permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko
ay ang construction firm ng kanyang pamangkin.

Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission.

Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang Manggagawa at nag-strike.

Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarunga ng pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).

Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay. Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.

Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado “in aid of legislation”.Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive officia l, napilitan siyang tumistigo.

Na ng malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.

Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang arko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.

Sin abi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.

Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan “Towards a Strong Republic”.

“Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto.” Ang huling wika ni Noah.

Napa-il ing ang Diyos at sinabing, “Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito.


* ang post na ito ay ninakaw ko ng walang permiso mula sa friendster ni rachel. wateber. thanks sa matalinong gumawa. na save ako mula sa paghahanap ng bagong ideya. hay, salamat sa nakaimbento ng copy paste.

8 Responses so far »

  1. 1

    Anino said,

    Amen.

    Huwag kalimutang bumoto.May Kabanata 17 na.Salamat!

  2. 2

    geisha said,

    magaling!
    magaling 😀

    napadaan at nkibasa 🙂

  3. 3

    straycat260 said,

    Ang galing ng gumawa ng post na to. May social relevance, dapat lang talaga na mai-repost tong ganto para may mga tamaan tsaka magising. Thank you for sharing this post. Nga pala friend add mo naman ako tapos add din kita. para madali ko makita yung blog mo. Heres mine: http://www.straycatinthecity.blogspot.com/

  4. 4

    Nabasa ko ito noong 2006. Hindi napapanis ang kuwentong ito. ^_^

  5. 5

    klitorika said,

    kuya pwede ko rin kayang irepost ang article na ito sa blog ko? Maganda kasi… hehehe
    ang galing!

  6. 6

    Anino said,

    Dapat may nakapaskil

    “Gloria loves me”

  7. 8

    Regale said,

    Somehow i missed the point. Probably lost in translation 🙂 Anyway … nice blog to visit.

    cheers, Regale!!!


Comment RSS · TrackBack URI

Leave a comment