Pakshet! Ang sakit ng tiyan ko. Hindi sa gutom kundi sa tawag ng kalikasan. Why o Why this is happening to me. Napakabait kong bata pero bakit kailangan parusahan ako sa maling pagkakataon. I need some release!
Yesterday kita ko yung ex na nagtatago kasi di makabayad ng utang. Ang utang ay utang at kailangan bayaran noh. Sakit ko na kasi yun, madali ako magtiwala sa tao. Pero alam ko kung ano pagkakaiba ng bigay at hiram, pahingi at pautang! Hindi naman ganun kalaki yung utang ng gagong yun pero utang pa din yun noh. Wala akong pakialam kung mamilipit siya sa sakit ng tiyan dahil sa kagutuman pero heyheyhey, magbayad sya.
Joke lang. Hindi naman ako ganun kasama. Bahala sya konsensya nya yun kung patuloy syang magtatago. Pero pag napuno ako! Tibag siya. Papatira ko sya sa mga bata ng tatay ng bestfriend ko na hindi rin nagpaparamdam dahil sa kanyang sakit. Kabaklaan!
Ewan ko ba kung bakit hindi ko man lang napansin na mint green pala ang dugo ng bestfriend ko. Eh 7 years kaming magkasama tapos hindi man lang umalingasaw ang kanyang amoy. Hmm salamat sa lactacyd. Napakalinis mo na best.
Ayun, sabi nga walang lihim na hindi nabubunyag. May nameet ako minsan sa g4m at syempre bidabidahan sa page nya ang aking bestfriend. At first hindi ko iniisip na siya yun, baka kapangalan lang. Pero neng, nagmatch ang kanilang DNA kaya hindi siya pedeng magkaila saken. So ayun, nagkabulgaran na. Umamin na siya saken. Syempre siniraan ko siya sa jowa jowa nya dahil alam ko naman na hindi yun love ng bestfriend. Ayun, umamin ang mokong. Sabi ko pa, magulo lang isip mo best! Kaso desidido pala ang lola ko. Nagpahanap pa saken ng prospective jowa.
Ayun nalulong na nga sa bading yung bestfriend ko at itinakwil ng kanyang dadi long legs na isang major. Kumusta naman diba? Natigil sa study, nasira ang future! Dahil lang gusto niyang maki-in sa mga bayla baylahan at mga reyna emperatriz. Ayun sa pagpupumilit ko na baguhin siya eh nagalit sake. Wag daw ako mangialam! HuHuhu.