Archive for January, 2008

be back soon

waaaaaaaaaaahhhh. im dying!!!!!!!!

Comments (1) »

10 most hated things 1

Reposting this from my other site. 

1. MY JOB – I’ve bee working here for more than 8 months now. Akalain mo tumagal ako ng ganun. Nung nag-aaral pa ko, sabi ko “nevah will I apply jan sa mga khall sena na yan”. Pero I’m here, and my previous job was the same. I really don’t know kung bakit nagtyatyaga pa ako dito. Hehehe. May money kasi eh. I guess yun muna ang mahalaga sa ngayon, kasi pinapaaral ko pa sistah ko tsaka younger bruder. Tsaka di pa kasi ako nageexam kaya ano naman makukuha ko diba. At first masaya, pero habang nakikilala mo yung mga tao sa paligid mo, nakakawalang gana. That made me hate my job. Idagdag pa dyan ang 48 thousand calls ng mga tangang customer. Haaaays ang bobobo nila. Siguro, kung khall sena nga ang career path ko, why not davah?

2. Si kuya – haaaays kainis talaga. Matapos pag-aralin yung dalawa kong kuya nagsipagasawa bigla. Eh kung mag-asawa na din kaya ako diba. Tignan ko lang kung hindi mabaliw si mother dear. hekhekhek. Sana man lang kasi tumulong muna sila kuya’s sa bahay bago gumawa ng maraming babies. huhuhu. Ngayon, ako tuloy ang kawawa. Pero ok lang naman yun, mahal ko pamilya ko eh.

3. Utang – Badtrip diba?? Every payday napupunta lang sa mga utangs ang sweldo. Wala tuloy ako maipon till now. Hahahaha, bakit kasi may mga taong ang hilig magpautang! Tapos maniningil bigla lalo kung walang wala ka. Ang siste eh uutang ka sa iba para makabayad, parang chain reaction lang. Waaah kaya pati pilipinas baon na sa utang!

4. LOLIT SOLIS – ang panget nya kase. Sobra pa magsalita kahit four sided naman ang point. Tomboy ba sya? Kasi mukha syang lalake eh.. hehehe.

5. CARROT – Ewan ko ba sa gulay na toh bakit kulor orange sya. Dahil ba nakabaon sya sa lupa kaya hindi nya kaya magphotosynthesis? Basta hindi sya masarap, ke luto o hilaw!

6. MAKAGAT ANG DILA – Pakshet! Bakit ba kasi ang dami daming nakakamis saken kaya yung dila ko putol putol na kakakagat. Hindi ba nila naisip na baka mabawasan ang sense of taste of sa bawat kagat ko ng dila ko? Enough na ok! Miss ko din kayo kaya wag nyo na ko masyadong isipin!

7. MGA PULUBI – Ok lang naman sila kaso pano kung araw araw eh sya ng sya ang hihingi sayo diba? Aba baket may pinatago ba sya at kung makahingi eh para akong bangko? Isa pa eng yung mga bigla na lang nang-aagaw ng pagkain… kainis kaya yung mga ganun? Asan ba kasi yung pamilya nila? Meron one time, nasa MCDO ako sa session tapos may namamalimos, may kasama pa syang anak. Eh wala akong barya. Alangan namang bigyan ko sya ng isang ninoy diba? Eh di sabi ko “ate wala PO” sa maayos na paraan. Akalain mong sinigawan ako ng “MADAMOT!”. Aba eh malamang eh sinapian ako ng 7 demons kaya sinigawan ko din sya “MAHIRAP! WALANG PANGKAIN! SALOT SA LIPUNAN! SUMPA SA GOBYERNO”. Ayun humiwalay yung kaluluwa nya sa katawan nya.

8. MGA PAHMINTA – Hindi naman lahat, kasi yung iba keri naman. Pero meron kasi yung mga sobarang bading, na nagshift from being reyna elena to reyna emperatriz para makadami na lulur. May mga kakilala ako before na kung lahat ng sulok ng pilipinas na may gay beaucon eh sinasalihan, tapos nakita ko minsan sobrang pilit tinuwid yung paglalakd. Eh ok lang naman na maging out diba. Meron akong katext dati, sabi nya mit kame. Ask ko sya how he looks. Sabi nya beri discreet daw sya. Bayla baylahan ang drama nya, kesho madami na syang naging jowang bilat. Eh nung may nakita ako na palapit saken na jelly fish, tinawag ko yung 7 demons para sapian ako ulet. Kumusta naman kasi ang elephant cut nya na pants, tapos super fitted na jaket na pang-girl tapos ung face nya malayo pa lang nararamdaman ko na sa kapal ng foundation nya, tapos sabi nya “HI (talagang binabaan para walang bahid daw ng kabaklaan), ikaw ba si dimpz?” Ayun para akong kumain ng sandamakmak na kamyas sa pilit na ngiti ko.

9. ANG MAWALAN NG PERA – Grabe toh. Sobrang hirap kumilos pag walang pera tapos gutom pa… Awwww. Pati siguro swelas ng sapatos titibagin ko na. hahaha.

10. SI GMA – wahahaha. Lahat siguro tayo parepareho ng reasons!

Comments (15) »

…dahil sa KURYENTE…

Reposting this from my other site.

Lagi akong napapalayas sa balaysung….

Hindi naman literal na pinapalayas. Kusa kaming tumatakas dahil wai kami pamabayad ng kuryente. Putek, hindi lang isang beses nangyari ito. 6 na boarding haws at apartments ang nalipatan ko at iisa ang dahilan kung bakit kami umaalis. Dahil sa punyetang kuryente.

Yung unang tinirhan ko eh umabot ng 9k ang bill ko ng kuryente. Kumusta naman kasi ang 3 taong pananatili ko dun at ni isang buwan eh wa ako nagpay ng electric bill. Kasi naman isa akong dakilang iskolar, at dahil bait bait ang may-ari ng bahay eh binigyan ako ng priviledge na higupin ang kuryente nila. Eat all can ng libre. Kaso dumating yung point na nagkasakit at hindi na makaya pang lumipad, may pumalit na bagong caretaker. Si miss Minchin na kamukha ni majinbu. Garapal sya sa pera neng at akalain mong kinalkal nya talaga sa baul ni yamashita ang files ng mga hindi nagbabayad. And surprise, isa ako dun. Eh di pinatawag kame at inisa isa ang utang ng bayan. Binigyan ba naman ako ng ultimatum hanggang kinabukasan na bayaran yung putek na kuryente, eh di syempre mahina pa ang powers ko nun kaya hindi ko kinaya. Buti na lang prepared na lahat ng things ko for evacuation kaya nung gabi eh akyat-bakod gang ang drama ko, may sa pusa pa ang pagkilos para kunwari hindi ako naririnig. Eh yun, kinaumagahan wala na kong problema. Akala ko lang pala…

Nakitira ako ng isang gabi sa isang good friend then lumipat ako sa apartment ng friend ko. 1 month lang ako nagstay dun kasi umatake naman si picachu na ang power ay kuryente. Ayun at meron syang outstanding bill at putek hindi nya ko siningil sa bahay pero kumusta naman at iniatang sa aking mga balikat ang mahiwagang kuryente. Ayun syempre kasama ako sa mga tao ng third world countries kaya di ko nakayanan ang revelation.

Next na nilipatan ko eh apartment with friends. Ok naman lahat sa simula hanggang bago kame umalis. On time ang pagbayad namin ng bills. Akalain mo. Meron akong isang friend na nagwowork nun sa jollibee na inampon namin dahil nagawol sa kanila. Malapit na matapos yung contract namen nun sa apartment. Yung pambayad namen ng kuryente eh pinahawak namen sa kanya para sya na lang magbayad dahil busy busyhan kame nun sa pag-aaral. Binayad naman daw nya, kaso nung dumating next na bill namen eh may kasamang notice of disconnection na pag hindi kame nakapagbayad. Putek! Hindi pala ibinayad ng magaling kong kaibigan. Ayun ok naman sana kung sinabi nya para nagawan ng paraan kaso hinde! hinde! hinde! Pinaniwala nya kame! Ayun kinuha ng landlady namen yung 2 tv namen dahil siya nagbayad ng ilaw. At kinabukasan eh nagevacuate na naman kame. Walang preparation biglaan lang. Gamit pa namin nun nung pinaalis kame eh garbage bag! Hanep!

Madali naman kame nakakita ng bagong malilipatan courtesy of my dearest friend. Isang Apartment na 2 bedrooms tapos may attic. 3 floors yun at tatlo lang din kame. Dahil nga taghirap kame nun eh naubos ang books namen kakabenta para may pambayd ng bagong bahay. Haays buhay estudyante! 2 months lang kame dun dahil graduating kaming 3 eh summer yun. At hanggang ngayun eh hindi pa kame nakakabayad ng kuryente dun, and pinambayad namin yung washing machine. Hahaha. Buti na lang madami kameng gamit na pede ipambayad.

Syempre wala na kaming matitirahan eh nagpaampom kami sa isang dambuhalang kaibigan. Takenote, dambuhala talaga sya, para syang tamagochi kasi tayo tayo pa yung buhok nya. Kakatawa dun sa room na inuupahan nya kasi ninanakawan namin ng bigas yung landlady nya. Hehehe sorry po dala lang ng kabataan. Tapos yung fresh milk sa ref eh kukunin namin tapos papalitan namin ng tubig. Hahaha may countings pa yun dapat para accurate na accurate. From out of nowhere eh biglang kaming siningil ng landlady nya ng kuryente. Eh sabi kasi namin eh mga 1 week lang kami dun. Kumusta naman ang kakapalan namin at umabot kami ng isang buwan dun. Hehehehe

Yung kasalukuyan kong tinitirhan na room eh mukhang ganun din ang magiging problema. Putek naman kasi makagamit ng kuryente yung nasa kabilang kwarto. Eh common na metro lang ginagamit namen kaya ayun parang electric fan ang ikot ng metro. Pero mabait naman landlady ko ngayon kahit late ako lagi magbayad. Sinisingil nga ko nun minsan umagang umaga nakatikim sya saken. Sabi ko sa kanya “Wag mo kong masingilsingil jan, kagigising ko lang!”. Hehehe

Leave a comment »

DOWNTIME

Reposting this from my other blogsite. Lipat na ko dito.

This was sent to me by my workmate during downtime.

Call Center Side Effects
Eto ang mga side effects ng pagtatrabaho sa CALL CENTER…

sa sarili mo :

01. wala ka nang pakialam sa buhay
02. di mo na kilala ang mga bagong artista…. si mahal at mura lang
03. di mo na alam itsura ng mga malls…
04. sanay ka na ding mag English o mag coño!
05. kaya mong tiisin na di palitan ang damit mo ng 16 hours

06. at magtataka ka dahil sanay ka ng magmura sa mga amerikano..
07. tawag sa auto mo ay taxi, kasi palaging gabi bumabyahe..

08. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala
09. di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa sa work.
10. yung ex mo may kasama ng iba

11. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa kanya..
12. kapag may national crisis at rally, di ka makakasama… pakikinggan mo na lang sa radyo…at kahit binobomba na ayala nung Oakwood mutiny, nag-cacalls ka parin kasi bawal abandon calls.
13. oo nga pala! dati pag nag copy paste ka sa pc, ginagamit mo lang right click sa mouse, ngayon ctrl C at ctrl V na.



pag nasa bahay :

01. pagka sa sagot ka ng telepono, lagi na lang may opening spiel…  

02. di na halos kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, ang tawag na nila sayo ay “boarder” at sinisingil ka na nila sa upa mo! (uy magbayad ka!)  

03. di ka na kilala ng aso nyo
04. sanay ka ng kumain sa harap ng pc mo kahit nsa bahay…
05. pag day off mo na lang ikaw nakakapaanood ng Eat bulaga at MTB

06. gusto mo na den bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa bahay nyo…
07. nag hahanap ka sa kahitbahay nyo na mga amerikano, australiano, at german at british…feeling pang international na ang world mo.
08. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka-earphones!
09. pudpod na tenga mo sa kaka-pakinig ng paolo “payatot” santos
10. akala mo may sarili kang locker sa bahay nyo…..
11. di ka na nagbabawas sa bahay, sanay ka na sa cr ng 15th floor or ibang floors. 

12. nang ho-hoard ka na din ng tissue sa bahay
13. gusto mo na ding maglagay ng alcogel sa banyo nyo..
14. pag nag cr ka…sanay ka na sa gripo na automatic at toilet bowl…

15. nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo..
16. maglo-lock ka ng pc kahit sa bahay na. pag pindot mo ng CTRL + ALT + DEL iba ang lalabas at matatawa ka na lang sa sarili mo dahil para kang gago.

17. nung pinasok ng akyat bahay ang bahay nyo, magsisigaw ka ng HACKER!!! HACKER!!!
18. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat lang.. sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa trabaho eh…”I’m sorry sir/ma’am if you continue to use such an abusive language I’ll be forced to terminate this call, please be reminded too that this call is recorded.”

pag natutulog :


01. lahat ng style ng pagtulog….maiisip mo…di ka na sanay sa kama…sa LAZYBOY kana kasi nasanay matulog
02. eksperto ka na sa power nap, yung mga 15min break nyo, itinutulog mo na lang…para fresh pagka kolls uli, mya na yung 1 hour nap…

03. mas sanay ka ng matulog ng nakabussiness attire…na mimiss mo yung matigas na sahig ng opisina nyo…tsaka yung malamig na aircon.
04. sanay kang makipagusap kahit tulog…pagtinanong ka ng kahit ano, tama ang sagot mo…ummmm naghihilik ka pa hayup ka! ! nag sasalita ka sa pagtulog mo, pati kols mo napapanaginipan mo, at minsan, sinampal ka ng kapatid mo dahil nagsisigaw kang sup call! sup call! sup call!  

06. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.
07. sanay ka nang matulog ng dilat ang mata…kasi d pde pahuli

pag bumabiyahe:

01. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao, at bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way….
02. pumuputi ka na dahil di ka na naaarawan.
03. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walang traffic

04. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang bagong ligo at bagong gel.
05. naka id ka pa kahit nasa jeep

sa mga friends mo :

01. ang tawag mo sa mga friends mo…dude, bro, coach, tl, sup.
02. pag binabati… ano nalang, pag kinukumusta ka ng mga kabarkada mo, lagi mo sinasabi ang opening speil mo!!!!
03. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.
04. nahihiya kang magpunta sa mga reunion lalo na’t alam mong successful lahat ng ka-batch mo.  

05. sasabihin mo nagtatrabaho ka sa CONTACT CENTER mas sosyal daw kasi pakinggan at hindi Call Center
06. sasabihin mong tech support engineer ka, pero rep ka lang..
07. pag payday… olats lahat sweldo ng mga kaklase mong board passer. (8k per month lang sila) isang kinsenas mo na yun…minsan pa nga Performance Bonus mo lang yun.

08. mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila.
09. pag nagkukuwento ka sa mga barkada jargon lahat. “avail, aux work, auto in, aht, after call work…etc. di nila maintindihan ang ibig sabihin at kung gaano kahalaga ang petix time..
10. kasi pagsinabi mong symphony, di nila alam yun. ako nga dito ko lang nalaman na may ganun pala eh..dagdag mo pa ang harmony at rams (yeah! program Cybertron yan!)

pag kumakain :

01. di na tama ang oras ng pagkain mo. breakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga. pag Rest Day mo naman at natulog ka sa gabi, magigising ka pa din pag madaling araw na. iba na ang body clock mo. 02. di na dugo ang dumadaloy sayo, kape na or ice tea. nung nagpaospital ka ang nilagay sayo dextrose na my instant coffee at ice tea.
03. maski sa bahay, mabilis kang kumain…10 mins ayos na!
04. marami ka ng naipon na microwavable container

05. nag kokolekta ka na ng mga ketchup galing mcdo, jollibee, kfc, yellow cab, wendy’s etc…
06. nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave
07. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain.
08. dami mo na naiipon na stirrer(red) galing starbucks or seattle’s best kakabili ng kape.

sa ofis naman :

01. tanong na mahirap sagutin … ” pag-introduce urself na, first-day sa etelecare -computer science grad ka-” ….. em a nursing grad ; pt grad ; psych grad. BAT KA NANDITO ?…akala mo…talagang computer specialist ang
kailangan….kasi nasa ads….. hayyy hehehe… beep beep… di naman cguro eng grad lhat dito ha…pero matalino at magaling mag-english required.
02. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!
03. papasok ka sa ofis na naka-jeans, t-shirt and cap (astig!)
04. puro ka-age mo mga ka-opisina mo, walang old maids and DOMs!!
05. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay minsan triple pay pa malaki ang bayad…kaya lahat gusto pumasok pag holiday.
–ilugan pa!
06. lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na

07. master mo na gawin ang mag petix sa trabaho….
08. sanay ka na ang katabi mo sinusurprise visit ng GF niya akala kc nambababae, ka na naman…
09. dito ka na makakakita ng gf, bf, or asawa. wala ka ng time maghanap sa labas. 10. yung iba dito na nakakahanap ng kabit nila eh……..
 
11. Nasanay ka nang may katabing TL na hindi umuuwi. pagpasok mo nandun na. paguwi mo nandun parin.

12. Sanay ka na sa 6th day OT…habang tulog ka dahil off mo bigla tatawag TL mo at sasabihin ” Team we need to go to work at 3am today, we have a staffing deficit..pls cascade, pls acknowledge receipt of this msg.”
(Huwaaatttt????)
13. libre parking mo sa building, klasmeyts mo nagbabayad araw-araw ng parking.. hahahaha!
14. sanay ka ng magyosi o umidlip pag alas dos at alas kwuatro ng umaga
15. favorite hang out place mo seven eleven o mini stop na…
16. dito ka lang makakakita ng pinagsama samang tinda na : medyas, vitamins, christmas lights, cologne. yosi, siomai at lahat ng klase ng pagkain, relos, kalendaryo, stuff toys, make up, kikay kit, deodorant, kwintas, sasakyan, camera, video, audio, foot spa , milk spa, bags wallet, sinturon, mamon, hamon,
17. d2 ka n sa opisina nakabili lahat ng gamit mo.. -2nd hand celfon – 2nd hand pc – sabon – shampoo -sapatos – tocino – longganisa – hikaw – magazine – tv – ref – aso – libro – tshirt – pants – prepaid card – vcd – dvd -yema pati apartment d2 ka nakuha
18. kahit syampoo ng kabayo meron… hahahaha
19. carenderia mo sa pantry na!
20. nakakita ka ng artista na nagbebenta ng pagkain sa pantry.
21. tapos yung fud magtatake out ka na lang. dito mo na lang sa office kakainin.
22. d2 ka na expose sa tapa king, zuppa, yellow cab, jugnos, bermuda hotel’s pancit canton, wendy’s. north park, star bucks,
23. na inlove ka nsa kape…
24. Di ka na marunong magtimpla ng kape manually, sanay kna kasi na isang pindot lang may coffee ka na, pwede rin chocolate mocha, coffe cream, hot chocolate, cafe latte, coffee mocha.
25. Ang vendo machine masaya gamitin, drink all you can tinawag na vendo pero free itow!
26. ice tea ka lang, mga kasama mo.. beer!! syet! bawal pumasok ng amoy nakainom
27. d2 lang ako nakakilala ng mga taong ang tindi mangarap…lalo na pagdating sa mga babae…hehehe!!! dami kasi magaganda!

sa internet cafe :

01. ayaw mo nang pumasok sa internet cafe!
02. puro kalyo na wrist at daliri mo.
03. dati 1 word per minute ka kabilis magtype, mgayon 2 words per minute. sanay ka ng magcopy and paste. 05. madalas nagcocommunicate mga tao sa Outlook nalang…hala sige! spamming! kasi nire-reserve mo voice mo for your next long call.
06. sawa ka na internet kasi sa trabaho panay ang browsing..

MARAMING SALAMAT SA GUMAWA NG ARTICLE NA TOH!

Comments (3) »