Archive for TULAla

Isang TULA

PALAHAW NG SANGGOL

Hoy Nene, hindi mo ba naririnig

Sanggol sa sinapupunan, tila umaawit

Pakinggang mabuti, dinggin kanyang tinig

Isang munting haplos, damhim kanyang pag-ibig

Subalit anong nangyari, ika’y nagkasala

Munting sanggol sa sinapupunan

Nagawa mong iwala

Anong kanyang kasalanan, anong iyong ginawa?

Buhay na sumisibol, di mo binigyang laya.

Pagkakamali ba at siya ang naging bunga

Ng isang isang gabi na puno ng ligaya?

 

 

Comments (1) »