Archive for PAMILYA florencias

my hometown pics (camera phone)

 

Comments (2) »

Need your HELP po!

Hello po sa inyong lahat…
 

Nakakahiya mang aminin, but because of our current situation (debts, living expenses, etc.), there will be a garage sale on Saturday at our place. (If you’re going to come, let me know and I’ll e-mail you my address and the directions).  
My family and I are finding it a bit difficult with money at the moment.
We’ve therefore decided to have a garage sale and hopefully we’ll make some from this.

Desperate times call for desperate measures!! We’re sure that we will get out of this mess sooner or later but in the meantime, ya gotta do what ya gotta do!!  
May picture nung mga gamit na binebenta namin; nasa maayos pa naman silang kalagayan, wala pang sira,so if you see anything you like, please let me know as soon as possible so we can save it for you, assuming the PRICE is RIGHT. 
 

Hope you can make it – counting on your support. nasa baba po ung photos… sana may magustuhan kayo. thanks!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

 

Comments (4) »

FAMILY ORIEnted

After my long stay here in Baguio eh nakapagdesisyon ako na umuwi muna ng aking province. Magugulat kaya si mudra sa pagbabalik ng kanyang prodigal but gorgeous daughter  son? Since prehistoric pa yata ako dito at medyo nakaramdam na ako ng pagkalagkit dahil sa mga sapot na bumabalot sa akin sa tagal ng aking inilagi dito. Haayyys I miss my family.

Makikita ko na ang mama ko na tumitira ng katol at ngumunguya ng moth balls. Tama! Adik si mudra. Nakulong sya sa koreksyonal ng buong buhay nya. Hahahaha. Tingin nya kasi sa bahay namin eh isang kureksyonal dahil puro paghihirap na lang daw ang nararanasan nya. Ikaw ba naman kasi magpalaki ng limang anak, isa lang babae at ako yun hahaha. Joke. Meron akong sister na isa ring adik.

Kaya pala naubos yung laman ng tangke dahil nahuli ko si sister minsan na sinisinghot yung lpg. Sis napagamot ka na ba? Hindi ka na ba tinatali ni puder sa puno ng narra sa likod ng ating palace dahil nahuli ka nyang kinakain mo yung rambo na tsinelas? Kaya pala pabili ka ng pabili non ha.

Si puder din makikita ko. Isa rin syang adik. Hari ng mga adik. Minsan lumabas sya ng bahay para matulog sa bubong. Wala namang kaso yun eh kaso puder, wag naman sa bubong ng bahay nila hapon. OA ka ha. May nilalantakan ka pang kalabaw dun sa itaas. Itay, wala sa lahi natin ang pagiging cannibal ok. Paguwi ko baka pamilya na lang natin ang nasa baranggay natin nyan.

Si kuya ko na panganay ay isa ring adik. Mahilig sya gumastos ng maraming salapi na ninanakaw sa mga kapitbahay namin sa probinsya. Minsan wala sya magawa eh nagpa-tatoo sa buong katawan tapos bumili ng glutathione para bumalik daw ang dati nyang kulay. Kuya adik ka talaga. Bagay kayo ng asawa mo na nakipagtrack ang field na kamay ang pinapantakbo.

Yung isa kong kuya nasa land of mga-taong-amoy-sibuyas-at-hindi-masyadong-naliligo-dahil-gusto-nila-ang-mababahong-gaya-nila. Ipinatapon sya dun ng tatay ko na cannibal dahil puro sakit ng ulo ang dala nya. Minsan umuwi sya, may saksak ng mga pana sa likod. Minsan naman nalalaylay ang ulo sa leeg. Salamat na lang at may dala syang stapler nun kaya nagawan pa ng paraan.

Yung isa kong kapatid, medyo mabait sya. Kumukuha sya ng goma tapos pinipitik nya sa mata yung mga kalaro nya. Pag wala naman syang magawa eh sinusunog nya yung bahay ng mga kapitbahay namin.

Ayun so pano dito na lang ako sa baguio. Yoko na pala umuwi.

Comments (2) »