A worldwide call to support laarni of pda season 2.
Pinoy Noah’s Version
Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at
sinabing “Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba’t-ibang kapuluan.”
Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.
Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, “Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?”
Tumugon si Noah, “Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo.”
At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.
Humingi siya ng Mayor’s permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko
ay ang construction firm ng kanyang pamangkin.
Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission.
Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang Manggagawa at nag-strike.
Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarunga ng pagpili ng mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay).
Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay. Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng.
Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado “in aid of legislation”.Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive officia l, napilitan siyang tumistigo.
Na ng malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.
Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang arko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas.
Sin abi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo.
Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan “Towards a Strong Republic”.
“Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto.” Ang huling wika ni Noah.
Napa-il ing ang Diyos at sinabing, “Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito.
* ang post na ito ay ninakaw ko ng walang permiso mula sa friendster ni rachel. wateber. thanks sa matalinong gumawa. na save ako mula sa paghahanap ng bagong ideya. hay, salamat sa nakaimbento ng copy paste.
10 most hated things 1
1. MY JOB - I’ve bee working here for more than 8 months now. Akalain mo tumagal ako ng ganun. Nung nag-aaral pa ko, sabi ko “nevah will I apply jan sa mga khall sena na yan”. Pero I’m here, and my previous job was the same. I really don’t know kung bakit nagtyatyaga pa ako dito. Hehehe. May money kasi eh. I guess yun muna ang mahalaga sa ngayon, kasi pinapaaral ko pa sistah ko tsaka younger bruder. Tsaka di pa kasi ako nageexam kaya ano naman makukuha ko diba. At first masaya, pero habang nakikilala mo yung mga tao sa paligid mo, nakakawalang gana. That made me hate my job. Idagdag pa dyan ang 48 thousand calls ng mga tangang customer. Haaaays ang bobobo nila. Siguro, kung khall sena nga ang career path ko, why not davah?

2. Si kuya - haaaays kainis talaga. Matapos pag-aralin yung dalawa kong kuya nagsipagasawa bigla. Eh kung mag-asawa na din kaya ako diba. Tignan ko lang kung hindi mabaliw si mother dear. hekhekhek. Sana man lang kasi tumulong muna sila kuya’s sa bahay bago gumawa ng maraming babies. huhuhu. Ngayon, ako tuloy ang kawawa. Pero ok lang naman yun, mahal ko pamilya ko eh.

3. Utang - Badtrip diba?? Every payday napupunta lang sa mga utangs ang sweldo. Wala tuloy ako maipon till now. Hahahaha, bakit kasi may mga taong ang hilig magpautang! Tapos maniningil bigla lalo kung walang wala ka. Ang siste eh uutang ka sa iba para makabayad, parang chain reaction lang. Waaah kaya pati pilipinas baon na sa utang!

4. LOLIT SOLIS - ang panget nya kase. Sobra pa magsalita kahit four sided naman ang point. Tomboy ba sya? Kasi mukha syang lalake eh.. hehehe.

5. CARROT - Ewan ko ba sa gulay na toh bakit kulor orange sya. Dahil ba nakabaon sya sa lupa kaya hindi nya kaya magphotosynthesis? Basta hindi sya masarap, ke luto o hilaw!

6. MAKAGAT ANG DILA - Pakshet! Bakit ba kasi ang dami daming nakakamis saken kaya yung dila ko putol putol na kakakagat. Hindi ba nila naisip na baka mabawasan ang sense of taste of sa bawat kagat ko ng dila ko? Enough na ok! Miss ko din kayo kaya wag nyo na ko masyadong isipin!

7. MGA PULUBI - Ok lang naman sila kaso pano kung araw araw eh sya ng sya ang hihingi sayo diba? Aba baket may pinatago ba sya at kung makahingi eh para akong bangko? Isa pa eng yung mga bigla na lang nang-aagaw ng pagkain… kainis kaya yung mga ganun? Asan ba kasi yung pamilya nila? Meron one time, nasa MCDO ako sa session tapos may namamalimos, may kasama pa syang anak. Eh wala akong barya. Alangan namang bigyan ko sya ng isang ninoy diba? Eh di sabi ko “ate wala PO” sa maayos na paraan. Akalain mong sinigawan ako ng “MADAMOT!”. Aba eh malamang eh sinapian ako ng 7 demons kaya sinigawan ko din sya “MAHIRAP! WALANG PANGKAIN! SALOT SA LIPUNAN! SUMPA SA GOBYERNO”. Ayun humiwalay yung kaluluwa nya sa katawan nya.

8. MGA PAHMINTA - Hindi naman lahat, kasi yung iba keri naman. Pero meron kasi yung mga sobarang bading, na nagshift from being reyna elena to reyna emperatriz para makadami na lulur. May mga kakilala ako before na kung lahat ng sulok ng pilipinas na may gay beaucon eh sinasalihan, tapos nakita ko minsan sobrang pilit tinuwid yung paglalakd. Eh ok lang naman na maging out diba. Meron akong katext dati, sabi nya mit kame. Ask ko sya how he looks. Sabi nya beri discreet daw sya. Bayla baylahan ang drama nya, kesho madami na syang naging jowang bilat. Eh nung may nakita ako na palapit saken na jelly fish, tinawag ko yung 7 demons para sapian ako ulet. Kumusta naman kasi ang elephant cut nya na pants, tapos super fitted na jaket na pang-girl tapos ung face nya malayo pa lang nararamdaman ko na sa kapal ng foundation nya, tapos sabi nya “HI (talagang binabaan para walang bahid daw ng kabaklaan), ikaw ba si dimpz?” Ayun para akong kumain ng sandamakmak na kamyas sa pilit na ngiti ko.

9. ANG MAWALAN NG PERA - Grabe toh. Sobrang hirap kumilos pag walang pera tapos gutom pa… Awwww. Pati siguro swelas ng sapatos titibagin ko na. hahaha.
![]()
10. SI GMA - wahahaha. Lahat siguro tayo parepareho ng reasons!

…dahil sa KURYENTE…
Reposting this from my other site.
Lagi akong napapalayas sa balaysung….
Hindi naman literal na pinapalayas. Kusa kaming tumatakas dahil wai kami pamabayad ng kuryente. Putek, hindi lang isang beses nangyari ito. 6 na boarding haws at apartments ang nalipatan ko at iisa ang dahilan kung bakit kami umaalis. Dahil sa punyetang kuryente.
Yung unang tinirhan ko eh umabot ng 9k ang bill ko ng kuryente. Kumusta naman kasi ang 3 taong pananatili ko dun at ni isang buwan eh wa ako nagpay ng electric bill. Kasi naman isa akong dakilang iskolar, at dahil bait bait ang may-ari ng bahay eh binigyan ako ng priviledge na higupin ang kuryente nila. Eat all can ng libre. Kaso dumating yung point na nagkasakit at hindi na makaya pang lumipad, may pumalit na bagong caretaker. Si miss Minchin na kamukha ni majinbu. Garapal sya sa pera neng at akalain mong kinalkal nya talaga sa baul ni yamashita ang files ng mga hindi nagbabayad. And surprise, isa ako dun. Eh di pinatawag kame at inisa isa ang utang ng bayan. Binigyan ba naman ako ng ultimatum hanggang kinabukasan na bayaran yung putek na kuryente, eh di syempre mahina pa ang powers ko nun kaya hindi ko kinaya. Buti na lang prepared na lahat ng things ko for evacuation kaya nung gabi eh akyat-bakod gang ang drama ko, may sa pusa pa ang pagkilos para kunwari hindi ako naririnig. Eh yun, kinaumagahan wala na kong problema. Akala ko lang pala…
Nakitira ako ng isang gabi sa isang good friend then lumipat ako sa apartment ng friend ko. 1 month lang ako nagstay dun kasi umatake naman si picachu na ang power ay kuryente. Ayun at meron syang outstanding bill at putek hindi nya ko siningil sa bahay pero kumusta naman at iniatang sa aking mga balikat ang mahiwagang kuryente. Ayun syempre kasama ako sa mga tao ng third world countries kaya di ko nakayanan ang revelation.
Next na nilipatan ko eh apartment with friends. Ok naman lahat sa simula hanggang bago kame umalis. On time ang pagbayad namin ng bills. Akalain mo. Meron akong isang friend na nagwowork nun sa jollibee na inampon namin dahil nagawol sa kanila. Malapit na matapos yung contract namen nun sa apartment. Yung pambayad namen ng kuryente eh pinahawak namen sa kanya para sya na lang magbayad dahil busy busyhan kame nun sa pag-aaral. Binayad naman daw nya, kaso nung dumating next na bill namen eh may kasamang notice of disconnection na pag hindi kame nakapagbayad. Putek! Hindi pala ibinayad ng magaling kong kaibigan. Ayun ok naman sana kung sinabi nya para nagawan ng paraan kaso hinde! hinde! hinde! Pinaniwala nya kame! Ayun kinuha ng landlady namen yung 2 tv namen dahil siya nagbayad ng ilaw. At kinabukasan eh nagevacuate na naman kame. Walang preparation biglaan lang. Gamit pa namin nun nung pinaalis kame eh garbage bag! Hanep!
Madali naman kame nakakita ng bagong malilipatan courtesy of my dearest friend. Isang Apartment na 2 bedrooms tapos may attic. 3 floors yun at tatlo lang din kame. Dahil nga taghirap kame nun eh naubos ang books namen kakabenta para may pambayd ng bagong bahay. Haays buhay estudyante! 2 months lang kame dun dahil graduating kaming 3 eh summer yun. At hanggang ngayun eh hindi pa kame nakakabayad ng kuryente dun, and pinambayad namin yung washing machine. Hahaha. Buti na lang madami kameng gamit na pede ipambayad.
Syempre wala na kaming matitirahan eh nagpaampom kami sa isang dambuhalang kaibigan. Takenote, dambuhala talaga sya, para syang tamagochi kasi tayo tayo pa yung buhok nya. Kakatawa dun sa room na inuupahan nya kasi ninanakawan namin ng bigas yung landlady nya. Hehehe sorry po dala lang ng kabataan. Tapos yung fresh milk sa ref eh kukunin namin tapos papalitan namin ng tubig. Hahaha may countings pa yun dapat para accurate na accurate. From out of nowhere eh biglang kaming siningil ng landlady nya ng kuryente. Eh sabi kasi namin eh mga 1 week lang kami dun. Kumusta naman ang kakapalan namin at umabot kami ng isang buwan dun. Hehehehe
Yung kasalukuyan kong tinitirhan na room eh mukhang ganun din ang magiging problema. Putek naman kasi makagamit ng kuryente yung nasa kabilang kwarto. Eh common na metro lang ginagamit namen kaya ayun parang electric fan ang ikot ng metro. Pero mabait naman landlady ko ngayon kahit late ako lagi magbayad. Sinisingil nga ko nun minsan umagang umaga nakatikim sya saken. Sabi ko sa kanya “Wag mo kong masingilsingil jan, kagigising ko lang!”. Hehehe
DOWNTIME
Reposting this from my other blogsite. Lipat na ko dito.
Call Center Side Effects
Eto ang mga side effects ng pagtatrabaho sa CALL CENTER…
sa sarili mo :
01. wala ka nang pakialam sa buhay
02. di mo na kilala ang mga bagong artista…. si mahal at mura lang
03. di mo na alam itsura ng mga malls…
04. sanay ka na ding mag English o mag coño!
05. kaya mong tiisin na di palitan ang damit mo ng 16 hours
06. at magtataka ka dahil sanay ka ng magmura sa mga amerikano..
07. tawag sa auto mo ay taxi, kasi palaging gabi bumabyahe..
08. lahat ng kaibigan mo may christmas vacation ikaw wala
09. di mo maenjoy christmas party kasi kaylangan mo bumalik sa office dahil may pasok ka pa sa work.
10. yung ex mo may kasama ng iba
11. nanghihingi ka pa ng baon sa nanay mo kahit mas malaki sweldo mo sa kanya..
12. kapag may national crisis at rally, di ka makakasama… pakikinggan mo na lang sa radyo…at kahit binobomba na ayala nung Oakwood mutiny, nag-cacalls ka parin kasi bawal abandon calls.
13. oo nga pala! dati pag nag copy paste ka sa pc, ginagamit mo lang right click sa mouse, ngayon ctrl C at ctrl V na.
pag nasa bahay :
01. pagka sa sagot ka ng telepono, lagi na lang may opening spiel…
02. di na halos kayo nagkikita ng nanay at tatay mo, ang tawag na nila sayo ay “boarder” at sinisingil ka na nila sa upa mo! (uy magbayad ka!)
03. di ka na kilala ng aso nyo
04. sanay ka ng kumain sa harap ng pc mo kahit nsa bahay…
05. pag day off mo na lang ikaw nakakapaanood ng Eat bulaga at MTB
06. gusto mo na den bumili ng water dispenser kasi pitsel lang ang nasa bahay nyo…
07. nag hahanap ka sa kahitbahay nyo na mga amerikano, australiano, at german at british…feeling pang international na ang world mo.
08. kahit may malaki kayong speaker sa bahay gusto mo pa din naka-earphones!
09. pudpod na tenga mo sa kaka-pakinig ng paolo “payatot” santos
10. akala mo may sarili kang locker sa bahay nyo…..
11. di ka na nagbabawas sa bahay, sanay ka na sa cr ng 15th floor or ibang floors.
12. nang ho-hoard ka na din ng tissue sa bahay
13. gusto mo na ding maglagay ng alcogel sa banyo nyo..
14. pag nag cr ka…sanay ka na sa gripo na automatic at toilet bowl…
15. nasusuka ka na pag nakita mo ang pc sa bahay nyo..
16. maglo-lock ka ng pc kahit sa bahay na. pag pindot mo ng CTRL + ALT + DEL iba ang lalabas at matatawa ka na lang sa sarili mo dahil para kang gago.
17. nung pinasok ng akyat bahay ang bahay nyo, magsisigaw ka ng HACKER!!! HACKER!!!
18. sanay ka na sa mga prank callers at mga death treats na nakasulat lang.. sa dami ba naman ng ma-encounter mong ganito gabi-gabi sa trabaho eh…”I’m sorry sir/ma’am if you continue to use such an abusive language I’ll be forced to terminate this call, please be reminded too that this call is recorded.”
pag natutulog :
01. lahat ng style ng pagtulog….maiisip mo…di ka na sanay sa kama…sa LAZYBOY kana kasi nasanay matulog
02. eksperto ka na sa power nap, yung mga 15min break nyo, itinutulog mo na lang…para fresh pagka kolls uli, mya na yung 1 hour nap…
03. mas sanay ka ng matulog ng nakabussiness attire…na mimiss mo yung matigas na sahig ng opisina nyo…tsaka yung malamig na aircon.
04. sanay kang makipagusap kahit tulog…pagtinanong ka ng kahit ano, tama ang sagot mo…ummmm naghihilik ka pa hayup ka! ! nag sasalita ka sa pagtulog mo, pati kols mo napapanaginipan mo, at minsan, sinampal ka ng kapatid mo dahil nagsisigaw kang sup call! sup call! sup call!
06. sanay ka nang matulog kahit maingay sa loob at labas ng bahay nyo.
07. sanay ka nang matulog ng dilat ang mata…kasi d pde pahuli
pag bumabiyahe:
01. di mo na alam bumiyahe pag may araw, nalilito ka bakit andaming tao, at bakit di na dumadaan ang dyip dun sa mga kalsada na 1 way….
02. pumuputi ka na dahil di ka na naaarawan.
03. di ka na sanay sa traffic. papasok at pauwi sa trabaho walang traffic
04. lahat ng kasabay mo sa jeep pag papasok ka, pagod na. ikaw lang ang bagong ligo at bagong gel.
05. naka id ka pa kahit nasa jeep
sa mga friends mo :
01. ang tawag mo sa mga friends mo…dude, bro, coach, tl, sup.
02. pag binabati… ano nalang, pag kinukumusta ka ng mga kabarkada mo, lagi mo sinasabi ang opening speil mo!!!!
03. kinalimutan ka na ng mga kaibigan mo dahil existing ka lang pag tulog na sila.
04. nahihiya kang magpunta sa mga reunion lalo na’t alam mong successful lahat ng ka-batch mo.
05. sasabihin mo nagtatrabaho ka sa CONTACT CENTER mas sosyal daw kasi pakinggan at hindi Call Center
06. sasabihin mong tech support engineer ka, pero rep ka lang..
07. pag payday… olats lahat sweldo ng mga kaklase mong board passer. (8k per month lang sila) isang kinsenas mo na yun…minsan pa nga Performance Bonus mo lang yun.
08. mas malaki sweldo mo sa mga ka-batch mo, nagkakanda-kuba na sila sa trabaho nila.
09. pag nagkukuwento ka sa mga barkada jargon lahat. “avail, aux work, auto in, aht, after call work…etc. di nila maintindihan ang ibig sabihin at kung gaano kahalaga ang petix time..
10. kasi pagsinabi mong symphony, di nila alam yun. ako nga dito ko lang nalaman na may ganun pala eh..dagdag mo pa ang harmony at rams (yeah! program Cybertron yan!)
pag kumakain :
01. di na tama ang oras ng pagkain mo. breakfast mo ay hapunan na. lunch mo sa madaling araw. dinner mo pag uwi mo sa umaga. pag Rest Day mo naman at natulog ka sa gabi, magigising ka pa din pag madaling araw na. iba na ang body clock mo. 02. di na dugo ang dumadaloy sayo, kape na or ice tea. nung nagpaospital ka ang nilagay sayo dextrose na my instant coffee at ice tea.
03. maski sa bahay, mabilis kang kumain…10 mins ayos na!
04. marami ka ng naipon na microwavable container
05. nag kokolekta ka na ng mga ketchup galing mcdo, jollibee, kfc, yellow cab, wendy’s etc…
06. nasanay kumain ng pagkain na luto sa microwave
07. nasanay ka nang mgpadeliver ng pagkain.
08. dami mo na naiipon na stirrer(red) galing starbucks or seattle’s best kakabili ng kape.
sa ofis naman :
01. tanong na mahirap sagutin … ” pag-introduce urself na, first-day sa etelecare -computer science grad ka-” ….. em a nursing grad ; pt grad ; psych grad. BAT KA NANDITO ?…akala mo…talagang computer specialist ang
kailangan….kasi nasa ads….. hayyy hehehe… beep beep… di naman cguro eng grad lhat dito ha…pero matalino at magaling mag-english required.
02. dito sa opisina mo nararanasan na napakabagal ng oras!
03. papasok ka sa ofis na naka-jeans, t-shirt and cap (astig!)
04. puro ka-age mo mga ka-opisina mo, walang old maids and DOMs!!
05. lahat ng holiday pumapasok ka kasi double pay minsan triple pay pa malaki ang bayad…kaya lahat gusto pumasok pag holiday. –ilugan pa!
06. lahat na ng rason para umabsent nagawa mo na
07. master mo na gawin ang mag petix sa trabaho….
08. sanay ka na ang katabi mo sinusurprise visit ng GF niya akala kc nambababae, ka na naman…
09. dito ka na makakakita ng gf, bf, or asawa. wala ka ng time maghanap sa labas. 10. yung iba dito na nakakahanap ng kabit nila eh……..
11. Nasanay ka nang may katabing TL na hindi umuuwi. pagpasok mo nandun na. paguwi mo nandun parin.
12. Sanay ka na sa 6th day OT…habang tulog ka dahil off mo bigla tatawag TL mo at sasabihin ” Team we need to go to work at 3am today, we have a staffing deficit..pls cascade, pls acknowledge receipt of this msg.”
(Huwaaatttt????)
13. libre parking mo sa building, klasmeyts mo nagbabayad araw-araw ng parking.. hahahaha!
14. sanay ka ng magyosi o umidlip pag alas dos at alas kwuatro ng umaga
15. favorite hang out place mo seven eleven o mini stop na…
16. dito ka lang makakakita ng pinagsama samang tinda na : medyas, vitamins, christmas lights, cologne. yosi, siomai at lahat ng klase ng pagkain, relos, kalendaryo, stuff toys, make up, kikay kit, deodorant, kwintas, sasakyan, camera, video, audio, foot spa , milk spa, bags wallet, sinturon, mamon, hamon,
17. d2 ka n sa opisina nakabili lahat ng gamit mo.. -2nd hand celfon - 2nd hand pc - sabon - shampoo -sapatos - tocino - longganisa - hikaw - magazine - tv - ref - aso - libro - tshirt - pants - prepaid card - vcd - dvd -yema pati apartment d2 ka nakuha
18. kahit syampoo ng kabayo meron… hahahaha
19. carenderia mo sa pantry na!
20. nakakita ka ng artista na nagbebenta ng pagkain sa pantry.
21. tapos yung fud magtatake out ka na lang. dito mo na lang sa office kakainin.
22. d2 ka na expose sa tapa king, zuppa, yellow cab, jugnos, bermuda hotel’s pancit canton, wendy’s. north park, star bucks,
23. na inlove ka nsa kape…
24. Di ka na marunong magtimpla ng kape manually, sanay kna kasi na isang pindot lang may coffee ka na, pwede rin chocolate mocha, coffe cream, hot chocolate, cafe latte, coffee mocha.
25. Ang vendo machine masaya gamitin, drink all you can tinawag na vendo pero free itow!
26. ice tea ka lang, mga kasama mo.. beer!! syet! bawal pumasok ng amoy nakainom
27. d2 lang ako nakakilala ng mga taong ang tindi mangarap…lalo na pagdating sa mga babae…hehehe!!! dami kasi magaganda!
sa internet cafe :
01. ayaw mo nang pumasok sa internet cafe!
02. puro kalyo na wrist at daliri mo.
03. dati 1 word per minute ka kabilis magtype, mgayon 2 words per minute. sanay ka ng magcopy and paste. 05. madalas nagcocommunicate mga tao sa Outlook nalang…hala sige! spamming! kasi nire-reserve mo voice mo for your next long call.
06. sawa ka na internet kasi sa trabaho panay ang browsing..
MARAMING SALAMAT SA GUMAWA NG ARTICLE NA TOH!
Need your HELP po!
Hello po sa inyong lahat…
Nakakahiya mang aminin, but because of our current situation (debts, living expenses, etc.), there will be a garage sale on Saturday at our place. (If you’re going to come, let me know and I’ll e-mail you my address and the directions).
My family and I are finding it a bit difficult with money at the moment.
We’ve therefore decided to have a garage sale and hopefully we’ll make some from this.
Desperate times call for desperate measures!! We’re sure that we will get out of this mess sooner or later but in the meantime, ya gotta do what ya gotta do!!
May picture nung mga gamit na binebenta namin; nasa maayos pa naman silang kalagayan, wala pang sira,so if you see anything you like, please let me know as soon as possible so we can save it for you, assuming the PRICE is RIGHT.
Hope you can make it - counting on your support. nasa baba po ung photos… sana may magustuhan kayo. thanks!


DEAL or NO DEAL special…
Nasali si Inday sa Deal or no Deal

Kris: Magandang gabi mga kapamilya, sa gameshow na ito importante ang sagot sa nag-iisang katanungang Deal or no Deal. Ang ating player ngayong gabi ay walang iba kundi ang fastest-rising household services manager na si Inday!
[umentra si Inday at nagpalakpakan ang mga tao]
Kris: Ok Inday, choose a briefcase.
Inday: Kris, I would opt for case #4 please.
Kris: Briefcase # 4… si Sharmel. Inday, matanong ko lang, how did you come up with the number 4?
Inday: Oh, do you really want to know Kris?
Kris: Oo naman. I’m sure kaya ko naman maintindihan yung sasabihin mo eh.
Inday: The number 4 was acquired based on a probability distribution function that involves integrating up to an area greater than or equal to that random number which should be generated between 0 and 1 for proper distributions.
Kris: Syet. tanong tanong pa kasi eh.
Kris: Ok Inday, choose 6 briefcases to open.
Inday: I would opt for 7, 24, 12, 2, 15 and 20.
Kris: Wait lang Inday, usually isa isa lang ang pagbubukas natin ng case…
Inday: Why is that? As if I can change the outcome if we’re to open a case each time I blurt out a number as opposed to opening each case immediately one after the other right?
Kris: Hayyy…babaguhin pa talaga mechanics (bulong sa sarili).
Kris: Anwyay, di bale na lang nga… tuloy tayo. Number 7. Natalie buksan na!!
[Yung audience sumisigaw ng LOWER!! LOWER!!!]
Kris: Teka lang, bago natin buksan… Inday, usually ang mga contestants naten ay sumisigaw ng “LOWER” every time magbubukas ng case.
Inday: Kris, I guess that’s not the way I was taught in grade school. You see, I was taught that we should only use the comparative form of the word or add “ER” to the adjective if we are comparing two things. And since it is only the first briefcase that we are going to open, we have nothing to compare it to. Am I right?
[natahimik ang audience at napaisip]
Kris: Oo nga no!
Kris: Sige Natalie, Buksan mo na.
[Ang laman ng briefcase 7 ay Piso… Palakpakan ang mga tao]
Kris: Good start! Ano yung next case mo ulit?
Inday: Case number 24 please.
Kris: Chloe… buksan na…
[Audience sumisigaw ulit ng LOWER!! LOWER!!]
Kris: Wait lang guys, Inday may nabuksan ng case baket di ka pa rin sumisigaw ng “Lower”?
Inday: Oh my goodness Kris, how long have you been doing this? Have you ever encountered a value that is lower than a peso in this game? Tell me, is there any value left lower than the one we just opened? Sheesh.
[Napaisip ulit ang audience at natahimik]
Kris: Aarrgghh!!!! Chloe buksan na lang nga, pati na rin yung 12, 2, 15 and 20 buksan na rin para matapos na. [naiirita na]
[At sunod sunod na ngang nabukas ang mga case ni Inday]
[nag-ring ang phone]
Inday: Ahh Kris, to save more time can you tell Banker that I’m not interested in his first offer. In the history of this game of chance, I have yet to see someone accept a first offer from the banker. It’s quite pathetic and pretentious for contestants to pause and look around the audience as if asking for advice before ultimately rejecting the first offer. I mean come on, isn’t that a waste of airtime?
Banker: Potahhh!!! [narinig sa set kahit sarado ang kwarto ni banker]
- Ito ang unang pagkakataon na marinig ng mga audience ang boses ni banker sa Deal or no Deal.
… dumating na sa kalagitnaan ng show at mukhang minamalas na si Inday…
Kris: Ok Inday, mukhang kelangan na natin ng tulong sa mga friends mo… sino ba yung bigotilyong lalaki na naka-polo? Ano name nya?
Inday: Ahh, that’s my master Mr. Montemayor.
Kris: Ahhh sya pala yun, how cute naman pala eh. Sige sir, give us a number.
Mr. Montemayor: Hi Kris, good evening. I’m a fan. I choose number 22 please.
Kris: Ano Inday ok ba yung number 22?
Inday: Whatever, we shouldn’t bite the hand that feeds us anyway. Go ahead.
Kris: [taray naman] Sofie, buksan na!
[ang laman ng briefcase 22 ay 5,000]
Kris: Good job! Sino naman yung gwapong lalake na naka jumper na katabi ni Mr. Montemayor? What’s his name?
Inday: Ahh, that’s my on again off again boyfriend, Dodong the gardener.
Kris: Ooohh, sya pala yun. Ok Dodong, give us a number!
Dodong: Hi babes, I choose briefcase 9 if it’s ok with you. If not, it’s ok with me as long as it’s ok with you.
Kris: Ano raw? Inday, number 9 daw ok say0?
Inday: Yes Kris, it’s fine with me.
Kris: Wow ang bait pag kay Dodong. Ederlyn… buksan na!!
…nanlaki ang mga mata ni Inday at hindi sya makapaniwala. Natahimik at mukhang kakapusin sya ng hininga…
Inday: YOU!!! How dare you invade my moment!
[nagulat si Kris at ang mga audience sa reaksyon ni Inday. Nagpatawag si Kris ng commercial break at nagpakuha ng tubig para kay Inday.]
Nagkatitigan sina Inday at Ederlyn. Nakangisi si Ederlyn habang hawak ang briefcase ni Inday.
Ederlyn: Pinapangako ko, Inday… pagbukas luluhod ang mga tala! hahahahaha!
Inday: What? Can you speak up? What are you mumbling up there. Can somebody give her a microphone please?
Kris: Ano ba!! Tama na nga ang drama ninyo, Ederlyn buksan mo na ang case at umexit ka na kung ayaw mong mapalitan! (naiirita na si Kris)
Dali-daling binuksan ni Ederlyn ang briefcase at ang laman ay… P3,000,000.
Nanghinayang ang mga audience… Ang mga natirang values ay 250, 1K, 20K, 50K, and 500K.
Inday: NooOoo…. (sabay tingin kay Dodong at napapaluha), how could you…
Dodong: I’m so sorry Inday, please forgive me.
Kris: Hayyy, drama again. Ang offer ni banker sa pagbabalik ng Kapamilya, Deal.. or No Deal!
[pagtapos ng commercial break… mukhang composed na ulit si Inday]
Kris: Inday, are you okay? Ang offer ni banker ay 99 thousand pesos . ‘Sing rami siguro ng pilipinong pinadugo mo na ilong. Is it a Deal or No Deal?
Tahimik lang si Inday tilang may kinocompute sa ulo habang ang mga audience ay nagsisigawan ng “No Deal”, ang iba naman ay “Deal”.
Kris: Wait lang, kung mapapansin ninyo we have only have 5 cases left, and among those 5, apat doon ay mas maliit na value…
Inday: Kris, do you mind? Can I do my own thinking?
Natameme si Kris, pati ang audience ay natahimik.
Kris: Taray to the max! (pabulong sa sarili)
Inday: Ok, I’m ready. Upon looking at the reality of the situation, 80% of the cases left have at least 49K less than the banker’s offer. The only way I can do better than what is offered is that if my case contains the 500k or I’d get to open one of the four lower values. But I have to keep in mind that there’s only 20% probability that this would happen. I have to take note, however, that the banker’s offer is roughly around 15% lower than the offer I expected based on the arithmetic mean of the values left.
Kris: Lorddd… panaginip ba ‘to? Ayokonaaa….
Inday: Accepting a deal for less than the mean should generally be regarded as a weak decision so I would say, NO DEAL!
Limang briefcase na lang ang natitira at kasama na doon ang case ni Inday…
Kris: My God, nakaka-stress itong episode na ito ha. Baka dumugo na rin ang ilong ko sa’yo Inday. Sige Inday, go ahead and choose 1 briefcase!
Inday: Ok Kris, I choose briefcase #5 please?
Kris: Briefcase #5! Mimi bago mo buksan yan I would first like to thank Figliarina by Schubizz for my sandals, Bambi Fuentes for my hair and make-up and Pepsi Herrera for my gown tonight.
Kris: Ok Mimi, buk…
Inday: Ahh Kris, can I also take time to thank a few people? I mean, I did save us a few minutes of airtime right?
Kris: (“kapal naman talaga ng mukha”…bulong sa sarili) Sige, ok lang go ahead. ( naka-smile pa rin)
Inday: Thanks! Yes, I would like to thank Frank Provost for my hair and make-up, Jimmy Choo for my sandals and my dear friend Oscar dela Renta for my gown tonight.
BLAG!! Tinumba ni Kris ang podium at nagwalk-out. Hindi na natapos ang show kaya’t binigyan na lang ni Banker si Inday ng kalahating milyon para sa kanyang oras.
Inday: Oh, and thanks to the people of Cartier for sending me these nice earrings for tonight!
[Ito ang isa sa mga un-aired episode ng Kapamilya, Deal or No Deal]
SAPAKAN NA Lng!
The following is a letter found at a certain bar in
Manila and has been preserved in its original,unedited form.
Enjoy reading and you may try direct translation in Tagalog.
Pls read with feelings…
_____________________________________
To Marjie,
I am not surprise or wander why Dennis leave you. Why? What reason you can think about but you’re very fat body. I thought before that Dennis only use me to his toy but sooner and later I’m realize that he really can’t not beared or stomached to be with you anymore because at first, Dennis say he could not stand you’re habit of making pakialam all his walks [lakad] and always calling to their house what he go home or this or that.
And then he say he get ashame to met iether in school or in his family and then asking you to exercise you’re very very, very fat body. But you hate it. Thoughth your the most preetiest girls he knows about. What do you think you are “Beautiful Girl” of Jose Marie Chan?
Even you are beautiful face (to your think) you do not have the right to called me whatsoever or else different name one time or the other for the real purposed to insults my personality because I’m never call you names ether in the front of Dennis or in the backs of Dennis, but if you start already to calling me different name, I don’t have any other choice but to call you other different name to. Like you are a PIG, FAT, OBESSED, OVERWIGHT, AND UGLY SHAPE girl. Shame to you’re body that is to a BUDING.
You can’t not blame Dennis for exchanging you to me because I am the more sexier than you when you look to us in the mirror.
I’m repeat again that you are like Ike Lozada when she is a girl.
Love,
The Sexiest Girl of D.M.
P.S. You say that I’m the bad breathe but who is Dennis want to kissed. Me or you? You or me? And the final is me. There you go.









